Topic 5: Republic Act (RA) 8504: Philippine AIDS Prevention and Control Act of 1998
Explanation of RA 8504 and available resources and support for people living with HIV.

Article 1: Education and Information
Pag-aaral sa Eskwelahan
Ang kaalaman tungkol sa HIV/AIDS ay dapat itinuturo sa paaralan, sa paraang hindi malaswa, gamit ang mga materyales ng DOH.
Pagkokonsulta
Ang mga materyales ay dapat dadaan sa konsultasyon ng mga magulang, guro, at paaralan bago ituro.
Serbisyong Pangkalusugan
Ang edukasyon tungkol sa AIDS ay dapat bahagi ng health services, na tinuturo ng may sapat na kaalaman.
Seminar para sa OFW
May programa dapat ang gobyerno para turuan ang mga OFW tungkol sa HIV at kung paano ito naiiwasan.
Kaalaman para sa Dayuhan
Dapat ipakalat din ang impormasyon tungkol sa HIV sa mga turista gamit ang iba't ibang materyales.
Edukasyon sa LGU
Ang mga barangay, mayor, at church-based groups ay dapat gumawa ng HIV/AIDS awareness programs.
Impormasyon sa Pag-iwas
Dapat may edukasyon tungkol sa wastong paggamit ng prophylactics tulad ng condom.
Parusa sa Maling Impormasyon
Mapaparusahan ang mga nagbibigay ng maling impormasyon tungkol sa HIV.

Article 2: Safe Practices and Procedures
HIV Testing sa Donasyon
Lahat ng dugo at organ na ido-donate ay dapat sumailalim sa HIV testing at tiyaking negatibo bago gamitin.
Pag-iingat sa Medical Procedures
May guidelines ang DOH para sa mga health workers upang maprotektahan sila laban sa HIV.
Parusa sa Hindi Ligtas na Gawain
Ang sinumang sadyang nagpapabaya o nagdudulot ng HIV transmission ay maaaring makulong.

Article 3: Testing, Screening and Counselling
Hindi Sapilitan
Kailangan ng written informed consent bilang patunay na naiintindihan mo ang proseso.
May Exception
Tulad ng kung sangkot sa krimen o para sa blood/organ donation.
Hindi Requirement
Para sa trabaho, paaralan, pagbibiyahe, o pagkuha ng medikal na serbisyo.
Libreng Testing
Available sa mga DOH-Accredited Treatment Hubs.
May Counseling
Bago at pagkatapos ng testing upang gabayan ang pasyente.
Anonymous
Ang identity at personal na impormasyon ay mahigpit na pinoprotektahan.

Article 4: Health and Support Services
Serbisyo ng Publikong Ospital
Lahat ng tao na may HIV/AIDS ay dapat mabigyan ng health services.
Serbisyo sa Komunidad
Ang mga LGU ay dapat magbigay ng serbisyo para sa HIV/AIDS.
Programang Pangkabuhayan
Hindi ipagkakait ang oportunidad sa mga taong may HIV/AIDS.
Pag-iwas sa STD
Mga programa ng DOH para makontrol ang sexually transmitted diseases.
Insurance para sa May HIV
Pinag-aaralan ang paggawa ng insurance at benepisyo dahil kasama sa karapatan ng mga tao sa kalusugan.

Article 5: Monitoring & Reporting
🛰 AIDSWATCH Program
Ang DOH ay magtatatag ng pambansang sistema para subaybayan ang pagkalat ng HIV sa Pilipinas.
📁 Lihim na Pag-report
Lahat ng ospital at clinic ay obligadong mag-report nang may mahigpit na confidentiality.
🧭 Contact Tracing na May Dignidad
Hindi gagamitin ang impormasyon laban sa tao sa trabaho, paaralan, o pagbiyahe.

Article 6: Confidentiality & Privacy Protection
Medical Confidentiality
Ang medikal na impormasyon ay pribado at hindi dapat isapubliko.
Lihim na Resulta
Sa iyo lamang sasabihin ang resulta ng HIV test.
Parusa sa Paglabag
6 buwan hanggang 4 na taon ang posibleng pagkakakulong.
Obligasyon
Kung HIV-positive, may responsibilidad kang ipaalam sa partner.

Article 7: Discriminatory Acts and Policies
Parusa:
Hanggang 4 na taon na pagkakakulong at ₱10,000 multa ang maaaring ipataw sa sinumang lalabag.
